Dalawampu't Dalawang Oo (2200) lyrics - Ez Mil

Yuh, mga manggagaya mula sa sinapupunan
Ng kanilang 'sang ina
At kung maghanap ng pwedeng matularan
Kaliwa hanggang sa kanan
Limitado pa sa kanilang paggunita, uhh
'Di man parehas sa tinta
O bilihin sa listahan ng aking mga kababayan
Nananatiling katapatan ng imba'y 'di susuko sa hintay
Hanggang man aking kamatayan na

Sa hilaga hanggang timog, ramdam ang sindak
At sa kanluran at silangan naman may imbak
Na katas ng katotohanang lamang na alam malamang
Pinagdamot sa buong mundo, 'di mo 'ko masisisi sa paksang
Aking napili na 'di bilang ng daliri ng dalubhasang bobo
Kung usapan ay pera, walang tanong, ito'y gyera
Aking sagot ay dalawapu't dalawang oo

Binictican hanggang Tabacuhan
Tara mag-Sta. Rita, Mabayuan
Mapa-Remi, Oval, Marikit o sa Memorial
Lungsod ng Olongapo, 'tatak mo sa memorya
Ang Tapinac na hinati ng Magsaysay
Kalalake ta's Pag-asa wagayway
Lahat ng aming dalampasigan ay may storya
Lungsod ng Olongapo, 'tatak mo sa memorya

Hoy, ang sarap pugutan ng ulo
Kung sino man yung tanginang
Nagsabi ng "basta gapo bano"
Subukan mong ngayong dumayo
May balak manghamak para meron
Nang testigo sa "batang gapong laro"
Bawat dalaw ko sa Urdaneta
Kailangan na lagi parang merong mata sa likod na rekta
Meron bang susubok sa amin sa pagprotekta?
Saksakan aming benta wala nang magkukuwenta, huh
Benchingko sa piso hanggang sa gintong lima
Bilang bawat libo na sa presinto pinalit sa paraiso na
Laberinto nila kung bago ka pa dito meron kang pintong sira
Napasukan na dahil sa nagpilit makatirang pulubi na walang hain
Dukha parang maralitang puno ng yero ang bahay
Tuwing baha mas yari pagpuno 'yung kahoy ng anay
Lahat kailangan palitan

Sa hilaga hanggang timog, ramdam ang sindak
At sa kanluran at silangan naman may imbak
Na katas ng katotohanang lamang na alam malamang
Pinagdamot sa buong mundo, 'di mo 'ko masisisi sa paksang
Aking napili na 'di bilang ng daliri ng dalubhasang bobo
Kung usapan ay pera, walang tanong, ito'y gyera
Aking sagot ay dalawapu't dalawang oo

Binictican hanggang Tabacuhan
Tara mag-Sta. Rita, Mabayuan
Mapa-Remi, Oval, Marikit o sa Memorial
Lungsod ng Olongapo, 'tatak mo sa memorya
Ang Tapinac na hinati ng Magsaysay
Kalalake ta's Pag-asa wagayway
Lahat ng aming dalampasigan ay may storya
Lungsod ng Olongapo, 'tatak mo sa memorya

"Bawal ang tamad sa ulo ng apo", bisugo kayo, angkaso
Kung mang-aking ng tubig sa posonegro
Na luha niyo ang salo, pa'no na lang tayong mga
Nagtrabaho nang lahat-lahat pero tayo husgahan
And I'm waitin' for that day, 'cause I'm hearin' what you say
Boy I didn't come to play, load tha clippy in the K
Blow like fifty in ya face, I was really in that case
Y'all surrounded me and I had y'all runnin' like lil fakes
Huh so, ibato mo lang patungo sa langit
Kung sa'ng mang kalye ka galing
At desperadong kumain ng masarap
Ang iyong mga mahal sa buhay
At lagi kang handang pumatay ng hangal na tunay
Para madala mo lang lahat ng iyong nanakaw
Doon sa nag-utos na "kk" sa sunod na araw
Sapat lang ang pera para matanggal alingasaw
Palit kamesita muna dahil babad sa araw
Pero wait, teka kung merong bagong nandadalaw
Hari o prinsesa, ang trato namin umaapaw
Sa pagkaperpekta sa negosyo ng matatakaw
'Pag kami nagbenta 'wag niyong subukan na mang-agaw
Ng aming ideya kung ayaw niyong mapalibutan ng langaw
Kasi baka aming iputok bulalakaw
So 'wag ka na lang mangialam o makisapaw
Magpakailanman ang totoo lang sa ibabaw

Ay sa totoo lang but it's 22 double the O, baby
We need that, woo
(Dalawampu't dalawang oo)

Binictican hanggang Tabacuhan
Tara mag-Sta. Rita, Mabayuan
Mapa-Remi, Oval, Marikit o sa Memorial
Lungsod ng Olongapo, 'tatak mo sa memorya
Ang Tapinac na hinati ng Magsaysay
Kalalake ta's Pag-asa wagayway
Lahat ng aming dalampasigan ay may storya
Lungsod ng Olongapo, 'tatak mo sa memorya

La-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la